Friday, January 6, 2012

Thesis vs Bakbakan

Alam mo yung matutulog ka ng 3 am tapos gigising ka ng 7 am para maghanda sa 9 am thesis interview mo? Over lang. Feel na feel ko ang pagka-ZOMBIE ko. Yung wala ng energy sa katawan pero pinipilit pang kumilos dahil walang choice. Over.

Oh well, this is a success story of a zombie.

Di kami nagkita ni Analyn, pero nakuha niya sa bahay yung hinihiram na dress. :)

Nakapunta ako sa Catmon at Potrero para sa 2 interview at survey ko. Sinamahan ako ni Mama dun sa pangalawa. Nagkita kami sa school niya at nag-lunch bago lumarga. Bongga. Ang saya kasama si Mama. Libre lahat. Kakamiss rin! Achib. :)

Pagdating ko ng UPM, ang dami-daming dapat kausapin. Meeting sa AK tambayan. Tapos all orgs meeting sa conferece room. CAS Feb Fair Program flow ang naka-assign sa Devsoc, Orgasm, at Polis. Wala lang. Ang happy ko. Hehe. Sa gitna pa ng meetings, sasabay pa yung phone call. *Kiliiiig* Pero may mga dapat unahin. Sandali lang tuloy kami nagkausap ni E. Anyway, dinaanan ko rin si Macky Wafu na nag-survey para sa thesis niya. Hahahaha. Natatawa ako kasi nagtext siya at Wafu ang ginamit na apelyido. Kainis! :))

Tapos iniisip ko pa thesis ni Clarett. Ano ba yun. Hahaha. Haggard pala tumulong sa thesis ng iba. Ka-hassle. Pero keber lang. Elementary bespren ko naman yun eh. :)

Mga 6:30-ish pm na ako nakapunta sa Bakbakan. Iniisip ko talaga, pagpunta ko dun, iwan ko na lang ang camera tapos alis na ako. Para makapag-thesis ako sa bahay. Kaso di keri. Bet ko talaga manood at tumulong sa pag-aayos ng mga bagay sa events eh. Nag-eenjoy ako sa games! Kahit di ako sporty, masaya kasi ako na nag-chi-cheer sa mga tao. So, kung thesis vs bakbakan ang laban dito, malinaw naman kung ano ang nanalo.

Pagdating ko, CM vs CD ang laban. Grabe, intense yung laban kasi competitive talaga sila. Haha. Galing ng mga players, plus andun ang CD friends ko na si Ja, Yow, Lei, Trish, at Ate Sario. Natuwa naman ako na nagkita kami. :)

Eto yung highlight ng Bakbakan game para saken: Si Kuya from CM na nasugatan ng bongga nung nag-dive siya sa court ay nangangailangan ng med assistance. Haggard, may med kit kami pero walang medics. Hahahaha. Instant medics naman kami ni Jef. Eh di naman ako totoong marunong. So, si Jef lang pala talaga. Tapos, sa dami ng sugat ni kuya, naubos ang supplies. Habang ginagamot si kuya, nadapa yung isa pang kuya from CD naman. Napasigaw na lang ako, "Hala! May isa pang injured! Wala ng supplies!" at sabi ni Jef, "May quota lang po ang mga pwedeng ma-injure sa bawat game."

At natawa na lang kami pati yung ibang Med. Kitang-kita kasi kung gaano kakulang ang pondo para pambili ng basic na pangangailngan - tulad nga ng med supplies. Napa-Budget cut mode tuloy kami habang nanggagamot.

(-__-)

After ng games, dinner/kwentuhan/assessment sa ihawan with Reg, Jef, and Ehcel. :)

***

Hello players! Congrats sa inyong lahat!





:)

0 comments:

Post a Comment